Sikat ang Mommy ko
Awtor: Segundo D. Matias Jr.
Karapatang-ari ng Lampara Publishing House
2009
Buod:
Si AC ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito. Mahusay siya sa iba’t ibang akademiko. Ang lahat ng kaniyang tagumpay sa paaralan ay pinapahalagahan ng kaniyang mommy sa pamamagitan ng paglalagay nito sa kwadro o frame kung saan nakalagay ang certificate ng mommy niyang dati ring ginantimpalaan ng certificate dahil sa kagalingan nito gaya ni AC. Matapos ang hapunan kasama ng kaniyang daddy, nag-aaral na sila ng kaniyang mommy ng iba’t ibang asignatura. Masipag ang mommy niya sa mga gawaing bahay at maging sa paghahatid sa kaniya sa paaralan. Tinitiyak nitong nasa loob na siya ng silid-aralan. Walang yaya si AC kaya lahat ng gawain ay ginagawa ng kaniyang mommy. Minsan habang namimili sa supermarket, nakita niya ang kaniyang kamag-aral na si Chi na kasama ang mommy nito. Nang tanungin siya kung yaya ang kasama niya, napatango siya. Ngunit sinabihan siya ni Chi na sinungaling dahil nakita nito na mommy ni AC ang kasama nito. Napahiya si AC. Sa kagustuhan niyang magkaroon ng yaya, nasabi niyang yaya niya ang kaniyang mommy. Isang araw habang nagpapa-enroll sila, isang babae ang tumawag sa kaniyang mommy. Administrator ito ng school. Yumuko ito kay AC at kinausap at sinabing may pagmamanahan si AC, ang kaniyang mommy, sa kahusayan. At ilan pang tao roon ang lumapit sa kaniyang mommy. Nalaman ni AC mula sa kuwentuhan ng mga iyon na dating vice president ng pinakamalaking food company ang kaniyang mommy, at unang babaeng Filipino na na naging cover ng isang international magazine dahil sa husay nito at galing. Nalaman ni AC na nagresign ang kaniyang mommy sa kaniyang trabaho kahit pa napakalaki ng kinikita nito dahil nais nitong alagaan si AC. Doon nalaman ni AC na sikat pala ang kaniyang mommy. Nang umuwi sila sa condo, nakita ni AC sa kabinet ang sarisaring awards ng kaniyang mommy. Kinabukasan, sinorpresa niya ang kaniyang mommy. Isinabit niya sa dingding ang pinakamalaking kwadrong naglalaman ng “THE BEST MOMMY IN THE WORLD. YOU ARE THE REAL TOPNOTCHER. NOT ME.” Masayang ngunit naluluha ang kaniyang mommy nang makita ang kwadro. Niyakap niya ang kaniyang mommy.
Maaaring panoorin sa youtube ang kuwentong ito. Narito ang link: https://www.youtube.com/watch?v=aedDS1zI41Q

Vertical Divider
Aba, May Baby sa Loob ng Tiyan ni Mommy!
|
Abangan
|
AbanganAbangan
|